Forgot your password?
  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
  • default color
  • green color
  • red color

MabuhayRadio

Friday
May 24th
Home Columns Ike Señeres Ginaya na ang Bantay Gobyerno
Ginaya na ang Bantay Gobyerno PDF Print E-mail
User Rating: / 2
PoorBest 
Columns - Ike Señeres
Written by Ike Señeres   
Monday, 07 June 2010 21:42

 

Bantay Gobyerno (Series 028)

Ni Ka Iking Señeres                       

 

Ginaya na ang Bantay Gobyerno

 

B ilang patunay na nasa tamang direksyon ang usapan sa column na ito, lumabas sa balita na ang dating kilusan na kilala sa pangalang “Bantay Balota” ay papalitan na daw ang pangalan at gagawin nang “Bantay Gobyerno”. Marahil hindi nila alam na matagal ko nang ginagamit ang pangalan na “Bantay Gobyerno”.

 

Maliban pa sa column ko sa Remate Tonight, ginagawmit ko din ang pangalan na “Bantay Gobyerno” sa aking web log (blog) sa Internet at mababasa ninyo ito sa www.kaiking.blogspot.com. Bilang patunay na ako talaga ang may-ari ng pangalan na “Bantay Gobyerno”, ako rin ang moderator ng isang grupo sa Yahoo, na ang pangalan ay bantaygobyerno@yahoogroups.com.

 

Alam ko naman na halos isa lang sa sampung Pilipino ang gumagamit ng Internet. Ganoon pa man, sasabihin ko pa rin na kung gusto ninyong sundan ang mga sinusulat ko tungkol sa pagbabantay sa gobyerno, puntahan lang ninyo ang aking blog, o di kaya sumali kayo sa Yahoo group ko.

 

Ang “Bantay Balota” ay isang kilusan ng mga volunteers na nagbigay ng support kay Noynoy Aquino at Mar Roxas noong nakaraan na election. Sila ay kilala dati sa pangalan na “People Power Volunteers” (PPV) ngunit naisipan nilang palitan ang kanilang pangalan kaya ginawa na lang nilang “Bantay Balota”. Ngayon naman, gusto na naman nilang palitan ang kanilang pangalan, at napili nga nila ang “Bantay Gobyerno”.

 

Ayon sa batas ng copyright sa Pilipinas, ang unang naglathala ng isang pangalan o di kaya written works ang may karapatan na gumamit nito, at siya na ring magiging may-ari nito. Walang question na ako ang unang gumamit at naglathala ng pangalan na “Bantay Gobyerno” kaya sana igalang ng “Bantay Balota” ang aking karapatan.

 

Tama naman ang ginawa ng PPV sa pag-palit ng pangalan nila sa “Bantay Balota”. Sinasabi ko ito, dahil alam ko na maraming tao na nakiisa sa “People Power”, ngunit hindi naman nakiisa kay Noynoy at Mar. Sa usapang ito, malinaw na ang mga tao ang may-ari ng “People Power” na pangalan.

 

M aganda naman ang layunin ng “Bantay Balota” na palitan na ang kanilang advocacy mula sa pag-babantay ng election papunta sa pag-laban sa corruption. Iba naman ang direksyon na naisip ko para sa “Bantay Gobyerno”, dahil hindi lamang pag-laban sa corruption ang gusto ko, nais ko ring isali ang pag-babantay ng gobyerno upang mapatupad nito ang mga plano para sa kaunlaran, kasama na ang pag-laban sa krimen at kahirapan.

 

Isang malaking pag-subok para sa “Bantay Balota” na tiisin na lang nila ang hindi pag-gamit sa pangalan na “Bantay Gobyerno” dahil ako na ang may-ari nito. Kung corruption ang kanilang sadya, dapat maisip nila na ang pagnakaw ng isang karapatan ay parang isang uri na rin ng corruption.

 

Sa paglaban sa corruption, mahalaga sa akin na maging neutral ang isang kilusan, at walang pinapanigan kahit anong partido. Natural lang ito, kasi ang dapat kalaban ng kilusan ay ang corruption mismo, at hindi ang kabilang partido. Sana maging neutral ang PPV o “Bantay Balota” sa usapang ito.

 

Mag-sumbong kayo kay Ka Iking kung may nakikita kayong kamalian sa gobyerno. Lahat tayo ay dapat mag Bantay Gobyerno! Mag text kayo sa +639293605140 o di kaya mag-email kayo sa iseneres@yahoo.com

 

 



Newer news items:
Older news items:

Last Updated on Monday, 07 June 2010 22:00
 
Comments (1)
June 6, 2010


The Editor-in-Chief
Philippine Daily Inquirer
Makati City

Dear Sir:

I read in your newspaper today that the movement “Bantay Balota”, formerly known as “People Power Volunteers” (PPV) is now planning to change their name to “Bantay Gobyerno”.

Through your very popular newspaper, I want to serve notice to the officers of “Bantay Balota” that I am the rightful and legal owner of the name “Bantay Gobyerno”, in accordance with the copyright laws of the Philippines.

Under our laws, the creator of literary works who is the first to USE, and the first to PUBLISH, is the rightful and legal owner of the name or literary work as an intellectual property right (IPR). I therefore claim to be the first to USE and the first to PUBLISH the name “Bantay Gobyerno”, and I have sufficient proof to substantiate my claim.

Firstly, I used the name “Bantay Gobyerno” as the title of my Yahoo group. The email address of this group is This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it .

Secondly, I used the name “Bantay Gobyerno” as the title of my web log (blog). You can check this out in www.kaiking.blogspot.com.

Thirdly, I used the name “Bantay Gobyerno” as the title of my column in Remate Tonight. I am sending you a sample of this column for your reference.

Thank you very much.

Very truly yours,


Ike Señeres
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it
+639293605140

Add your comment

Your name:
Your email:
Subject:
Comment (you may use HTML tags here):
               
Over a Cup of Tea
Diary of a Kitten on a Not-so-hot Tin Roof   Over a Cup of Tea Column   By Malou Malou   M aking the m...
 

Who's Online

We have 36 guests online

Donate

Please consider supporting the "ReVOTElution of Hope" for Sorsogon as the Pilot Province. Please see "ReVOTElution" Banner on this page for details.

Amount: 

Quote of the Day

"I planted some bird seed. A bird came up. Now I don't know what to feed it."--Steven Wright