EmCee: Ano ang Pambansang isda ng Phils.? (Note: correct answer is Bangus/Milkfish) Brainless: Pating?! Emcee: Mali! O eto ang clue: "Ito ay nagsisimula sa letrang "B". Brainless: Balyena!? MC: Mali na naman! Another clue, 100 times na mas maliit sa balyena. BL: Alam ko na!...BUTETE!!
EmCee: Ano ang national animal ng Pilipinas? It begins with the letter K. (Kalabaw) Brainless : Kuto! MC : Mali! Sa lupa ito gumagalaw, hindi sa ulo. BL : Kutong-lupa?
MC : Ano ang national animal ng Australia? It begins with the letter K. (Kangaroo) BL : Kalabaw! MC : Mali! It ends with the letter O. BL : Kabayo! MC : Mali pa rin! Tumatalon-talon ito. BL : Kuneho! MC : Mali pa rin! It ends with double-O. BL : KunehO-O?
MC : Ano ang national dress ng Pilipinas with the letters B and S? (Baro at Saya) BL : Blouse and skirt!
MC : Ano ang tawag sa tagasagip sa nalulunod? (Lifeguard) BL : Safeguard! MC : Mali! It begins with the letter L. BL : Lifebuoy?
MC : Sino ang latest Darna with the initials AA? (Anjanette Abayari) BL : Anthony Alonzo! MC : Mali! Babae siya. BL : Alicia Alonzo?
MC : Sino ang national hero ng Pilipinas? The initials are JPR. (Dr. Jose P. Rizal) BL : Jeric P. Raval! MC : Mali! He is a doctor. BL : Dr. Jeric P. Raval?
MC : Ano ang national bird ng Pilipinas? It begins with the letter M. (Maya) BL : Manok! MC : Mali! Kulay brown ito. BL : Pritong Manok? MC : Mali! Maliit na maliit ito. BL : Maggi Chicken Cube!
MC : Sino ang tinaguriang concert queen ng Pilipinas with initials PF? (Pops Fernandez) BL : Pernando Foe! MC : Mali! Queen nga, e, di babae! BL : Mrs. Pernando Foe --- si Susan Roces.
MC: Sino ang action king ng Phil. movies? Ang kanyang initials ay F.P. (correct answer is Fernando Poe) BL: Eh, di si Fops Pernandez! MC: Mali, may Junior siya sa huli BL: Fops Pernandez, Jr.?!
MC : Ano ang national flower ng Pilipinas? It begins with the letter S. (Sampaguita) BL : Sitsaron! MC : Mali! Flower sabi, hindi pagkain. BL : Sitsarong bulaklak? MC : Mali! It ends with the letter "A". BL : Sitsarong bulaklak with suka! MC : Mali pa rin! Kapangalan ito ng isang singer. BL : Sharon Cuneta.
MC : Sino ang pumatay kay Magellan? Initials niya ay LL. (LapuLapu) BL : Lito Lapid! MC : Mali! Inuulit ang pangalan. BL : Lito Lito! MC : Mali pa rin! First name lang. BL : LotLot! MC : Hindi! Mas mahaba iyon. BL : LotLot ... and Friends?
MC : Sino ang American martial arts expert with the initials CN? (Chuck Norris) BL : Chuck Norri! MC : Lagyan mo naman ng S! BL : Chucks Norri?
MC : Sino ang ating bayaning tinaguriang "Ang Dakilang Lumpo" with the initials AM? (Apolinario Mabini) BL : Si Alma Moreno! MC : Mail! Lalaki iyon. BL : Si Mr. Alma Moreno? MC : Mali! Patay na iyon. BL : Ha? Namatay na si Alma Moreno?
MC : Ano ang kaharap ng writer sa trabaho na nagsisimula sa letter M?(Makinilya) BL : Money! MC : Hindi! Ginagamitan ito ng mga daliri. BL : Manicure? MC : Mali pa rin. Ito ay may ribbon. BL : Manika! MC : Mali na naman. Ito ay may maraming letters. BL : Mailbox! MC : Hindi. Ito ay may kulay. BL : Mens!
MC : Ano ang tawag sa gamit na pang-hapagkainan na bilog at kadalasa'y gawa sa ceramic o porcelain at nagsisimula sa letter P? (Plato) BL : Platito! MC : Mali! Mas malaki ito kesa sa platito. BL : Palanggana? MC : Mali pa rin! Ginagamit ito sa pagkain. BL : Pustiso!
MC : After one year, ipinagdiriwang ito tulad ng "Unang A "? (Anibersaryo) BL : Away! MC : Mali. Ito ay may kinalalaman sa inyong relasyon bilang mag-asawa. BL : Annulment. MC : Mali na naman. Ito ay patunay sa inyong matamis na pagsasama. BL : Aneymoon! MC : Mali uli. Sa 25 years, ang tawag ay silver. Sa 50 years, golden. BL : Alahas! MC : Hindi. Para dito, kadalasan may handaan. BL : Apunan!
MC : For movie publicity, ito ay pagpupulong with reporters at may mga letrang PC? (Press Conference) BL : Philippine Constabulary! MC : Mali. May pagkain dito. BL : Ponge Cake! MC : Hindi. May mga reporters nga na sumusulat para sa movie magazine. BL : Pilipino Classics! MC : Hindi. First word is Press. BL : Pres Cory!
MC : Si Inday Badiday ay tinaguriang Reyna ng . It starts with the letter I. (Intrigues) BL : I to I! MC : Mali. Ito ay source ng mga away. BL : Isnaban! MC : Hindi. Ginagamit ito ng ibang mga artista at producers para kumita ang kanilang pelikula. BL : Interview! MC : Hindi! Ito ay nakakainis! BL : Insekto!
MC : Sino ang unang Chess Grandmaster of Asia na kapangalan ang isang chess piece? (Eugene TORRE) BL : Carole KING! MC : Mali! Mas mababa sa King. BL : Al QUINN? MC : Mali. Tagalog/Spanish ang apelyido niya. BL : Armida Siguion-REYNA? MC : Try again. Mas mababa sa reyna. BL : BISHOP Bacani! MC : Mali. Mas mababa pa sa bishop. BL : Johnny MidNIGHT! MC : Hay, naku, mas mababa pa sa knight. BL : Jerry Pons! MC : Bueno, nabanggit mo na halos lahat ng chess figures. Isa na lang ang hindi pa at iyon na iyon! BL : Ah, si Sylvia La Torre!
MC : Ano'ng flotation device ang ginagamit sa dagat upang hindi ka malunod na nagsisimula sa letter S? (Salbabida) BL : Sirena? MC : Mali! Hindi ito babae! BL : Siyokoy? MC : Mali pa rin! Hindi ito lalaki! BL : Siyoke!
MC : Saan binaril si Jose Rizal? Nagsisismula sa letter B. (Bagumbayan) BL : Sa back! MC : O, sige. Pwede na rin na sa L nagsisimula ang sagot. (Luneta) BL : Likod? MC : Hindi pa rin. Para mas madali, RP and initials ng modern name ngayon. (Rizal Park) BL : Sa rear part!
MC : Saan tayo madalas pumunta kung summer para maligo? It starts with the letter B. (Beach) BL : Banyo! MC : Mali. Kapag pumunta ka doon, maaarawan ka. BL : Bubong! MC : Mali pa rin. Marami ka'ng makikitang mga babaeng naka-bikini doon. BL : Beerhouse!
MC: Ano ang 2 + 2? (Note: correct answer is 4) BL: Tri ?! MC: Mali! O eto ang clue: "Taasan mo ng konti". BL: (in a higher tone) TRI?!! (Translations from WikaPedia: Help populate our online dictionary, submit any Filipino words that you know)
Related news items:
Newer news items:
Older news items:
|